uz
Feedback
Ang Pahayagang Plaridel

Ang Pahayagang Plaridel

Kanalga Telegram’da o‘tish

Ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral sa ng Pamantasang De La Salle.

Ko'proq ko'rsatish
554
Obunachilar
-124 soatlar
-37 kunlar
-130 kunlar
Postlar arxiv
UMIGPAW ang puwersa ng DLSU Green Archers kontra Adamson Soaring Falcons, 85–82, sa 19th FilOil EcoOil Preseason Cup sa FilOi
UMIGPAW ang puwersa ng DLSU Green Archers kontra Adamson Soaring Falcons, 85–82, sa 19th FilOil EcoOil Preseason Cup sa FilOil EcoOil Center, Hunyo 14. Hinirang na Player of the Game si DLSU Green Archer Jacob Cortez matapos maglista ng 13 puntos, limang rebound, limang assist, at dalawang steal. File Photo

BASAHIN: Nakikiramay ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa pagpanaw nina Divine Adili at Rene Bate
+3
BASAHIN: Nakikiramay ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa pagpanaw nina Divine Adili at Rene Baterbonia ng Ateneo Blue Eagles, Hunyo 14. Samantala, mahigpit na binabantayan ng UAAP ang mga isinasagawang imbestigasyon at sinisigurong maipadadala ito sa pitong kasaping pamantasan para sa buo at tapat na pagsusuri. Nangako rin ang organisasyon na magpapataw ito ng mga kaukulang parusa sakaling may nalabag na pamantayan batay sa magiging resulta ng pagsusuri. | mula The UAAP

PINARANGALAN ang mga natatanging kalahok na nagwagi sa ika-41 selebrasyon ng DLSU Annual Awards for Literature and Visual Art
+3
PINARANGALAN ang mga natatanging kalahok na nagwagi sa ika-41 selebrasyon ng DLSU Annual Awards for Literature and Visual Arts sa pangunguna ng Malate Literary Folio sa Natividad Fajardo-Rosario Gonzalez Auditorium kahapon, Hunyo 13. Kinilala ang kahusayan at talento sa panitikan at sining-biswal ng mga Lasalyano sa bansa sa ilalim ng iba’t ibang kategorya. Layon ng taunang patimpalak na hikayatin ang kabataang ipagpatuloy ang pagpapalawak ng kanilang pagkamalikhain sa mapagpalayang sining. Balikan ang pamamahagi ng parangal sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/18vR3XeAyx/

LUMAGAPAK ang Alas Pilipinas Women's Volleyball Team sa ikawalong puwesto matapos gapiin ng Iran, 21–25, 12–25, 21–25, sa 202
+2
LUMAGAPAK ang Alas Pilipinas Women's Volleyball Team sa ikawalong puwesto matapos gapiin ng Iran, 21–25, 12–25, 21–25, sa 2026 AVC Women’s Nations Cup sa Candon City, Ilocos Sur, Hunyo 14. Bunsod ng pagkatalo, bumaba sa ika-57 puwesto sa FIVB World Rankings ang koponan. | mula Volleyball Philippines

KINORONAHANG kampeon ang New York Knicks matapos talunin ang San Antonio Spurs, 94–90, sa pagwawakas ng 2025–2026 #NBA sa Fro
KINORONAHANG kampeon ang New York Knicks matapos talunin ang San Antonio Spurs, 94–90, sa pagwawakas ng 2025–2026 #NBA sa Frost Bank Center sa Texas, Hunyo 14. | mula NBA

HINDI MAAAKSES ang website ng De La Salle University bunsod ng isasagawang server at cloud-related back-up activities mula ik
HINDI MAAAKSES ang website ng De La Salle University bunsod ng isasagawang server at cloud-related back-up activities mula ika-8:00 n.g. hanggang ika-10:00 n.g., Hunyo 13.

DINOMINA ng RVRCOB Royals ang CLA All Stars, 131—89, sa #Animofest2026 Men’s Basketball Tournament sa Enrique Razon Sports Ce
DINOMINA ng RVRCOB Royals ang CLA All Stars, 131—89, sa #Animofest2026 Men’s Basketball Tournament sa Enrique Razon Sports Center, Hunyo 13. | mula DLSU PUSO Animofest 2026

TINGNAN: Kinikilala ang husay ng mga Lasalyanong manunulat at manlilikha sa DLSU Literary and Visual Arts ng Malate Literary
+2
TINGNAN: Kinikilala ang husay ng mga Lasalyanong manunulat at manlilikha sa DLSU Literary and Visual Arts ng Malate Literary Folio sa Natividad-Fajardo Auditorium, Hunyo 13.

INILUNSAD ng mga progresibong grupo ang isang kilos-protesta sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan bilang paggunita sa
+3
INILUNSAD ng mga progresibong grupo ang isang kilos-protesta sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan bilang paggunita sa ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Kalaw Avenue kahapon, Hunyo 12. Iginiit ng mga grupo ang agarang pagbabasura ng mga kasunduang militar, kabilang ang Pax Silica, na itinuturing nilang lumalabag sa soberanong interes ng bansa. Nanawagan din sila ng mas maigting na pagdepensa sa pambansang industriya at likas-yaman laban sa dayuhang kontrol. Balikan ang kanilang isinusulong na panawagan sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1AyLpE8F8K/?mibextid=wwXIfr

INILABAS ng DLSU University Student Government ang mga panuntunan at gabay para sa Periodic Health Examination (PHEx) at Drug
+2
INILABAS ng DLSU University Student Government ang mga panuntunan at gabay para sa Periodic Health Examination (PHEx) at Drug Testing (DT) na isasagawa sa Waldo Perfecto Seminar Room at sa ikalawang palapag ng Enrique Razon Sports Center mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 31. Pinaaalalahanan ang mga Lasalyano na kompletuhin ang kanilang PHEx at DT sa itinakdang iskedyul. | mula sa DLSU USG

NANAWAGAN si DLSU Lady Spiker Amie Provido ng hustisya at lubos na kalinawan upang mapanagutan ang pagpanaw nina Divine Adili
NANAWAGAN si DLSU Lady Spiker Amie Provido ng hustisya at lubos na kalinawan upang mapanagutan ang pagpanaw nina Divine Adili at Rene Baterbonia ng Ateneo Blue Eagles, Hunyo 12. | mula Amie Provido

BASAHIN: Nanawagan ang DLSU University Student Government (USG) sa mga Lasalyanong isabuhay ang mga pagpapahalagang ipinaglab
BASAHIN: Nanawagan ang DLSU University Student Government (USG) sa mga Lasalyanong isabuhay ang mga pagpapahalagang ipinaglaban ng mga bayani at manatiling mapanuri sa gitna ng nagpapatuloy na mga hamon ng lipunan ngayong ika-128 Araw ng Kalayaan, Hunyo 12. Binigyang-diin ng USG ang kalayaang may kaakibat na pananagutang pangalagaan ang katotohanan at pamumuno ng mga lingkod-bayan ng may integridad. | mula DLSU USG

TINGNAN: Pinaiilawan ng mga kulay ng watawat ng Pilipinas ang St. La Salle Hall Facade bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika
TINGNAN: Pinaiilawan ng mga kulay ng watawat ng Pilipinas ang St. La Salle Hall Facade bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan, Hunyo 12. | mula De La Salle University

NANGIBABAW ang DLSU Green Archers laban sa FEU Tamaraws, 82–77, sa pagpapatuloy ng 19th FilOil EcoOil Preseason Cup sa FilOil
NANGIBABAW ang DLSU Green Archers laban sa FEU Tamaraws, 82–77, sa pagpapatuloy ng 19th FilOil EcoOil Preseason Cup sa FilOil EcoOil Center, Hunyo 12.

WALANG PASOK sa lahat ng klase at trabaho sa kampus ng Laguna ng De La Salle University bunsod ng paggunita ng kaarawan ni Dr
WALANG PASOK sa lahat ng klase at trabaho sa kampus ng Laguna ng De La Salle University bunsod ng paggunita ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal sa Hunyo 19. | mula Office of the Vice President for Laguna Campus

PINAGPUPUGAYAN ngayong ika-128 taon ng Araw ng Kalayaan ang pag-iral ng isang malayang Pilipinas at matatag na diwa ng mga Pi
PINAGPUPUGAYAN ngayong ika-128 taon ng Araw ng Kalayaan ang pag-iral ng isang malayang Pilipinas at matatag na diwa ng mga Pilipinong patuloy na naninindigan para sa bayan, Hunyo 12. Higit sa pag-alala sa kasaysayan, nagsisilbi itong paanyayang isabuhay ang pagiging makabayan sa ating mga salita, kilos, at pakikilahok sa paghubog ng isang lipunang makatarungan at makatao. Likhang-sining ni Alexa Manaois

TINGNAN: Ikinakasa ng mga progresibong grupo ang isang programa matapos bigong makalagpas sa mga harang na ibinakod ng kapuli
+2
TINGNAN: Ikinakasa ng mga progresibong grupo ang isang programa matapos bigong makalagpas sa mga harang na ibinakod ng kapulisan sa Kalaw Avenue, Hunyo 12.

TINGNAN: Hinaharangan ng kapulisan ang hanay ng mga multisektoral na grupo sa kanilang isinasagawang mobilisasyon at kilos-protesta sa Kalaw Avenue ngayong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

TINGNAN: Nagtiton-tipon ang iba’t ibang progresibong grupo sa Kalaw Avenue upang kondenahin ang imperyalismo at igiit ang tun
+3
TINGNAN: Nagtiton-tipon ang iba’t ibang progresibong grupo sa Kalaw Avenue upang kondenahin ang imperyalismo at igiit ang tunay na kalayaan at pambansang soberanya ngayong ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Hunyo 12.

KINILALA ng Office of Sports Development (OSD) sa Animo Year-End Thanksgiving ang natatanging husay at talento ng mga atletan
+3
KINILALA ng Office of Sports Development (OSD) sa Animo Year-End Thanksgiving ang natatanging husay at talento ng mga atletang Lasalyano sa Corazon Aquino Democratic Space kahapon, Hunyo 10. Nagsilbi ang naturang programa para gunitain ang bawat tagumpay na nakamit ng Berde at Puting koponan, pagkalinga ng mga tagapagsanay, at dedikasyon sa serbisyo ng mga kawani ng OSD sa nagdaang #UAAPSeason88. Balikan ang masasayang tagpo ng programa sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1ECh9udNJ4/