ch
Feedback
Ang Pahayagang Plaridel

Ang Pahayagang Plaridel

前往频道在 Telegram

Ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral sa ng Pamantasang De La Salle.

显示更多
551
订阅者
无数据24 小时
-37
-330
帖子存档
TAIMTIM NA INAALALA ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang buhay ni Dr. Efren R. Abueg, isang mahalagang alagad ng panitikang F
TAIMTIM NA INAALALA ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang buhay ni Dr. Efren R. Abueg, isang mahalagang alagad ng panitikang Filipino, na pumanaw sa edad na 89 noong Hulyo 20. Hinubog din niya ang mga manunulat at itinaguyod ang pagsusulat bilang mahalagang bahagi ng kamalayan. Bilang tagapagtatag ng APP, naglaan siya ng espasyo para sa mga Lasalyanong mamamahayag na manindigan sa kanilang pananagutan at magsulat nang may malasakit sa Pamantasan at lipunan. Taos-pusong nakikiramay ang APP sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Dr. Abueg. Pinasasalamatan ng Pahayagan ang kaniyang dedikasyon sa pagbibigay-inspirasyon sa mga naghahangad na maging tinig para sa kapuwa Pilipino. Likhang-sining ni Aragorn Demoral

PINALAWIG ng Office of the University Registrar (OUR) ang kumpirmasyon ng enrollment para sa unang termino ng akademikong tao
PINALAWIG ng Office of the University Registrar (OUR) ang kumpirmasyon ng enrollment para sa unang termino ng akademikong taon 2026–2027 hanggang Setyembre 2. Pinaalalahanan ng OUR ang mga estudyanteng siguruhing pindutin ang “Final Submit” para sa kanilang enrollment upang maiwasan ang awtomatikong pag-drop ng mga kurso. | mula Office of the University Registrar

GINUGUNITA ang katapangan at dedikasyon ng lahat ng bayaning Pilipinong nakipaglaban at nagsakripisyo upang makamit ang kasar
GINUGUNITA ang katapangan at dedikasyon ng lahat ng bayaning Pilipinong nakipaglaban at nagsakripisyo upang makamit ang kasarinlang tinatamasa ng bansa ngayong Araw ng mga Bayani, Agosto 31. Magpatuloy nawa ang pagdiriwang na ito bilang paalala ng kahalagahan ng paninindigan para sa kapakanan ng bayan at kinabukasan ng mga Pilipino. Mangibabaw sana ang diwa ng pagiging makabayan, malasakit sa kapuwa, at pagkakaisa sa puso ng bawat Pilipino. Likhang-sining ni Alexa Manaois

PORMAL NANG TATAWAGIN ang Integrated School Open Spaces sa kampus ng Laguna ng De La Salle University bilang St. Jaime WellSp
PORMAL NANG TATAWAGIN ang Integrated School Open Spaces sa kampus ng Laguna ng De La Salle University bilang St. Jaime WellSpace at St. Solomon WellSpace. Gayundin, tatagurian na bilang St. Mutien Marie Activity Center ang Activity Center sa naturang kampus. | mula Help Desk Announcement 08292026

TINULDUKAN ni veteran center June Mar Fajardo ang kaniyang paglalakbay kasama ang Gilas Pilipinas matapos ilista ang ikalawan
TINULDUKAN ni veteran center June Mar Fajardo ang kaniyang paglalakbay kasama ang Gilas Pilipinas matapos ilista ang ikalawang panalo ng koponan kontra Iran, 68–56, sa pagtatapos ng FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 sa SM Mall of Asia Arena, Agosto 30. Sinimulan ni Fajardo ang kaniyang ekspedisyon kasama ang Gilas noong 2013 FIBA Asia Championship sa parehong lunan. | Retrato mula FIBA

INUNGUSAN ng Gilas Pilipinas ang Iran, 68–56, sa pagsasara ng FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 sa SM Mall of Asia Are
INUNGUSAN ng Gilas Pilipinas ang Iran, 68–56, sa pagsasara ng FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 sa SM Mall of Asia Arena, Agosto 30. | mula FIBA Basketball World Cup

KAHAHARAPIN ng DLSU Green Aces sa pagpapatuloy ng #UAAPEsports2026 Valorant Tournament ang UP Fighting Maroons sa ika-9:30 n.
+1
KAHAHARAPIN ng DLSU Green Aces sa pagpapatuloy ng #UAAPEsports2026 Valorant Tournament ang UP Fighting Maroons sa ika-9:30 n.u. at FEU Tamaraws sa ika-1:00 n.h. sa NAOS Arena, Pasay City bukas, Agosto 31. Mapapanood ang mga naturang laro sa Setyembre 3 at 4. | mula The UAAP

LUMAKAS ang binabantayang low pressure area sa silangan ng Extreme Northern Luzon ayon sa ulat ng PAGASA kaninang ika-11:00 n
+2
LUMAKAS ang binabantayang low pressure area sa silangan ng Extreme Northern Luzon ayon sa ulat ng PAGASA kaninang ika-11:00 n.u., Agosto 30. Binansagan ito bilang Tropical Depression #PilandokPH. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras. | mula DOST-PAGASA

INAKYAT sa RED heavy rainfall warning ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, at ilang bahagi ng Tarlac, Cavit
INAKYAT sa RED heavy rainfall warning ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, at ilang bahagi ng Tarlac, Cavite, Batangas, at Rizal kaninang ika-12:10 n.h., Agosto 30. Idineklara naman ang ORANGE heavy rainfall warning sa Nueva Ecija at ilang bahagi ng Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Quezon, at Tarlac. Samantala, isinailalim sa YELLOW heavy rainfall warning ang ilang bahagi ng Laguna, Batangas, at Quezon. | mula PAGASA-National Capital Region PRSD

BASAHIN: Ililipat ang mga nakatakdang laro ng #VLeague2026 bunsod ng red rainfall warning sa Metro Manila sa Setyembre 9. Kab
BASAHIN: Ililipat ang mga nakatakdang laro ng #VLeague2026 bunsod ng red rainfall warning sa Metro Manila sa Setyembre 9. Kabilang dito ang tapatan sa pagitan ng DLSU Green Spikers at UST Growling Tigers. | mula V-League

ITINAAS sa code white alert ang lahat ng pitong ospital na pinamamahalaan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila bunsod ng patuloy
ITINAAS sa code white alert ang lahat ng pitong ospital na pinamamahalaan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan, Agosto 29. Sa ilalim ng code white alert, nananatiling nakaantabay ang mga ospital at tauhang medikal upang agad na tumugon sa anumang insidenteng nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan. | mula Manila Public Information Office

ISASAGAWA ang Lasallian Personal Effectiveness Program (LPEP) para mga estudyanteng ID126 mula Carlos L. Tiu School of Econom
ISASAGAWA ang Lasallian Personal Effectiveness Program (LPEP) para mga estudyanteng ID126 mula Carlos L. Tiu School of Economics at Ramon V. del Rosario College of Business (MGT at MGT-BAS) sa Setyembre 2. Samantala, nakatakda ang LPEP para sa College of Liberal Arts sa Setyembre 3. | mula Lasallian Personal Effectiveness Program

ISINAILALIM sa RED heavy rainfall warning ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, at ilang bahagi ng Tarlac, B
ISINAILALIM sa RED heavy rainfall warning ang Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, at ilang bahagi ng Tarlac, Batangas, Cavite, at Rizal kaninang ika-11:00 n.u., Agosto 29. Itinaas naman sa ORANGE heavy rainfall warning ang Laguna at ilang bahagi ng Tarlac, Batangas, Cavite, at Rizal. Samantala, idineklara ang YELLOW heavy rainfall warning sa Nueva Ecija at ilang bahagi ng Quezon at Batangas. | mula PAGASA-National Capital Region PRSD

ILILIPAT sa online mode o sa ibang araw ang mga nakatakdang aktibidad sa kampus ng Maynila ng De La Salle University bunsod n
ILILIPAT sa online mode o sa ibang araw ang mga nakatakdang aktibidad sa kampus ng Maynila ng De La Salle University bunsod ng pagsuspende ng mga in-person na klase mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila, Agosto 29. Mananatili namang sarado ang akses sa naturang kampus. | mula Office of the Provost

SUSPENDIDO ang mga face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Maynila,
SUSPENDIDO ang mga face-to-face na klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Maynila, Agosto 29. Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department bunsod ng inaasahang epekto ng pinalakas na Habagat. Inabisuhan naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga paaralan na magpatupad ng alternatibong paraan ng pagdaraos ng mga klase. | mula Manila Public Information Office

NATAKASAN ng Gilas Pilipinas ang bitag ng Jordan, 82–81, sa FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 sa SM Mall of Asia Arena
NATAKASAN ng Gilas Pilipinas ang bitag ng Jordan, 82–81, sa FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 sa SM Mall of Asia Arena, Agosto 28. | mula FIBA Basketball World Cup

INANUNSIYO ng DLSU Green Aces MLBB Team ang pamamaalam nina Joshua Tating, Gab Sanchez, Clem Chua, Nixon Ong, Team Captain Ry
INANUNSIYO ng DLSU Green Aces MLBB Team ang pamamaalam nina Joshua Tating, Gab Sanchez, Clem Chua, Nixon Ong, Team Captain Ryu Godoy, at Manager Ally Manzano, sa berde at puting koponan, Agosto 28. Kinilala rin ng koponan ang kanilang kontribusyon sa legasiya ng Taft-based squad. | mula DLSU Green Aces

SUMADSAD sa pinakamababang halagang Php62.265 ang palitan ng piso kontra dolyar, Agosto 28. Humina ng 37.7 sentimo ang palita
SUMADSAD sa pinakamababang halagang Php62.265 ang palitan ng piso kontra dolyar, Agosto 28. Humina ng 37.7 sentimo ang palitan ng piso kontra dolyar kompara sa naitalang Php61.888 kahapon, Agosto 27. | mula Bankers Association of the Philippines

ITINAAS sa RED heavy rainfall warning ang Pampanga, Bataan, Zambales, at ilang bahagi ng Bulacan at Tarlac bunsod ng Habagat
ITINAAS sa RED heavy rainfall warning ang Pampanga, Bataan, Zambales, at ilang bahagi ng Bulacan at Tarlac bunsod ng Habagat kaninang ika-3:15 n.h., Agosto 28. Iniakyat naman sa ORANGE heavy rainfall warning ang Metro Manila, Rizal, at ilang bahagi ng Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, at Batangas. Samantala, isinailalim sa YELLOW heavy rainfall warning ang ilang bahagi ng Laguna, Nueva Ecija, Cavite, at Batangas. | mula PAGASA-National Capital Region PRSD

IPINAG-UTOS ng Malacañang ang pagkansela ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa mga paaralan sa ilang bahagi n
IPINAG-UTOS ng Malacañang ang pagkansela ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa mga paaralan sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng Habagat simula ika-1:00 n.h., Agosto 28. Alinsunod ito sa inilabas na Memorandum Circular No. 132 ng Malacañang. Kabilang sa mga apektadong lugar ang National Capital Region, gayundin ang mga lalawigan ng Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Rizal, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro. | mula Official Gazette of the Republic of the Philippines