ru
Feedback
Ang Pahayagang Plaridel

Ang Pahayagang Plaridel

Открыть в Telegram

Ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral sa ng Pamantasang De La Salle.

Больше
586
Подписчики
+224 часа
+287 дней
+3630 дней
Архив постов
HAHALILI si Dr. Rayan Dui bilang officer-in-charge ng Office of the Dean ng Ramon V. del Rosario College of Business bunsod n
HAHALILI si Dr. Rayan Dui bilang officer-in-charge ng Office of the Dean ng Ramon V. del Rosario College of Business bunsod ng opisyal na business trip ni Dr. Reynaldo Bautista Jr. mula Oktubre 14 hanggang 23.

UMAKYAT sa 7.2% ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Setyembre. Mas mataas ito ng 1.1% k
UMAKYAT sa 7.2% ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Setyembre. Mas mataas ito ng 1.1% kompara sa naiulat na 6.1% nitong Agosto. Ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng implasyon ang mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages, pabahay, tubig, kuryente, gasolina, at transportasyon. #PHCPI | mula Philippine Statistics Authority

NAKAMIT nina Dr. Andres Winston Oreta at Dr. Lessandro Estelito Garciano ang gantimpalang Most Outstanding Structural Enginee
+2
NAKAMIT nina Dr. Andres Winston Oreta at Dr. Lessandro Estelito Garciano ang gantimpalang Most Outstanding Structural Engineer sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng Association of Structural Engineers of the Philippines na idinaos sa Makati Shangri-La nitong Setyembre 26. Kinilala si Oreta sa kaniyang ambag bilang structural engineering educator, mga publikasyon at materyales sa pagsusulong ng disaster risk reduction, at pagiging resource person sa iba’t ibang kumperensiya hinggil sa civil, structural, at earthquake engineering. Samantala, binigyang-pagkilala si Garciano para sa kaniyang mga ambag sa pananaliksik at propesyon, kabilang ang publikasyon ng Seismic Design of Buried Pipelines at mga ambag sa Bamboo Code. | mula DLSU Department of Civil Engineering

IGINIIT ng mga progresibong grupo ang paniningil ng katarungan para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong Batas Militar
IGINIIT ng mga progresibong grupo ang paniningil ng katarungan para sa mga paglabag sa karapatang pantao noong Batas Militar bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon nito ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., Setyembre 21. Kasabay nito, nagmartsa ang hanay ng mga multisektoral na grupo mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola, dala ang sari-saring panawagan sa lansangan. Basahin ang buong artikulo sa: https://sites.google.com/dlsu.edu.ph/plaridel/bayan/ml54

INILUNSAD ng Advancement and Alumni Relations Office ang Lasallian Giving Portal bilang pangunahing plataporma para sa iba’t
INILUNSAD ng Advancement and Alumni Relations Office ang Lasallian Giving Portal bilang pangunahing plataporma para sa iba’t ibang adhikain at inisyatiba ng De La Salle University, Oktubre 5. Kabilang sa mga maaaring suportahan gamit ang Lasallian Giving Portal ang Lasallian Legacy Fund, Professorial Chair Fund, Culture and Arts Fund, Sports Development Fund, Santuario de La Salle Fund, MBS Chapel Pipe Organ, at Infrastructure and Facilities Fund. Maaaring magbigay ng donasyon sa sumusunod na link: www.dlsu.edu.ph/give

NAKATAKDA ang pagbabago ng presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Oktubre 6. Inaasahang madaragdagan ng Php1.90 hanggang Ph
NAKATAKDA ang pagbabago ng presyo ng mga produktong petrolyo bukas, Oktubre 6. Inaasahang madaragdagan ng Php1.90 hanggang Php1.93 kada litro ang presyo ng gasolina, at Php3.30 kada litro ang kerosene. Samantala, mababawasan naman ng Php1.30 kada litro ang presyo ng diesel. | mula GMA News

RUMATSADA sa magkaibang kapalaran ang DLSU Green at Lady Woodpushers matapos mautakan ng UST Male Woodpushers, 1.5–2.5, nguni
RUMATSADA sa magkaibang kapalaran ang DLSU Green at Lady Woodpushers matapos mautakan ng UST Male Woodpushers, 1.5–2.5, ngunit umigpaw kontra Ateneo Women’s Chess Team, 3.5–0.5, sa pagpapatuloy ng #UAAPSeason89 Collegiate Chess Tournament sa UST Buenaventura Garcia Paredes, O.P. Building kahapon, Oktubre 4. Basahin ang artikulo sa link na ito: sites.google.com/dlsu.edu.ph/plaridel/isports/green-at-lady-woodpushers-binagtas-ang-magkaibang-kapalaran

GINAWARAN ng Best Presenter Award si Dr. Michelle Ching sa isinagawang 19th International Conference on Computer Science and
+1
GINAWARAN ng Best Presenter Award si Dr. Michelle Ching sa isinagawang 19th International Conference on Computer Science and Information Technology na ginanap sa Paris, France nitong Setyembre 25 hanggang 27. | mula DLSU Department of Information Technology

INANUNSIYO ng PAGASA ang pagwawakas ng panahon ng hanging Habagat dulot ng patuloy na paghina nito at nakitang pagbabago ng p
INANUNSIYO ng PAGASA ang pagwawakas ng panahon ng hanging Habagat dulot ng patuloy na paghina nito at nakitang pagbabago ng panahon sa bansa, Oktubre 5. Bunsod nito, minamarkahan na rin ang pagtatapos ng tag-ulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas. | mula DOST-PAGASA

TINGNAN: Muling inihahandog ng DLSU University Student Government ang Nestle’s Back to School booth para sa mga Lasalyano bil
TINGNAN: Muling inihahandog ng DLSU University Student Government ang Nestle’s Back to School booth para sa mga Lasalyano bilang pagpapatuloy ng kanilang Arrows Homebound sa St. Joseph Hall Walkway, Oktubre 5.

MAGSASAGAWA ang Office of Sports Development ng on-site ticket selling para sa unang salpukan ng DLSU Green Archers at Ateneo
MAGSASAGAWA ang Office of Sports Development ng on-site ticket selling para sa unang salpukan ng DLSU Green Archers at Ateneo Blue Eagles sa #UAAPSeason89 Men’s Basketball Tournament sa ikasiyam na palapag ng Enrique Razon Sports Center simula ika-10:00 n.u. hanggang ika-4:00 n.h. bukas, Oktubre 6. Nagkahahalagang Php200 ang mga upper box ticket at Php400 naman ang mga lower box ticket na ipagbibili. #ForEveryoneUAAP #AnimoLaSalle #PlaridelUAAP89 | mula DLSU USG

IIMBESTIGAHAN ng Office of the Ombudsman sina Business College Government (BCG) President Officer-in-Charge (OIC) Jan Aura De
IIMBESTIGAHAN ng Office of the Ombudsman sina Business College Government (BCG) President Officer-in-Charge (OIC) Jan Aura Denise Dulce, BLAZE2026 Batch Representative (BR) OIC Princess Calaquian, BLAZE2027 BR OIC Sofia De Mesa, BLAZE2028 BR OIC Hannah Althea Suan, at BLAZE2028 Batch Legislator OIC Fjord Gallegos kaugnay ng kanilang paghirang sa mga posisyong elective sa BCG, Oktubre 5. Isinailalim sa imbestigasyon ang mga respondent kaugnay ng alegasyon ng Behavior that Undermines the Integrity of the USG at Usurpation of Official Function, kabilang ang alegasyong paghirang sa kanila bilang OIC sa mga posisyong hindi maaaring punan sa pamamagitan ng appointment habang isinasagawa ang Special Elections. Inaatasan ang mga respondent na magsumite ng tugon at mga kaukulang ebidensya sa loob ng tatlong araw ng trabaho mula sa pagtanggap ng naturang Order. Basahin ang buong dokumento sa link na ito: https://www.facebook.com/share/1C5tW9oXse/?mibextid=wwXIfr | mula Office of the Ombudsman

IIMBESTIGAHAN ng Office of the Ombudsman sina Business College Government (BCG) President Officer-in-Charge (OIC) Jan Aura De
+3
IIMBESTIGAHAN ng Office of the Ombudsman sina Business College Government (BCG) President Officer-in-Charge (OIC) Jan Aura Denise Dulce, BLAZE2026 Batch Representative (BR) OIC Princess Calaquian, BLAZE2027 BR OIC Sofia De Mesa, BLAZE2028 BR OIC Hannah Althea Suan, at BLAZE2028 Batch Legislator OIC Fjord Gallegos kaugnay ng kanilang paghirang sa mga posisyong elective sa BCG, Oktubre 5. Isinailalim sa imbestigasyon ang mga respondent kaugnay ng alegasyon ng Behavior that Undermines the Integrity of the USG at Usurpation of Official Function, kabilang ang alegasyong paghirang sa kanila bilang OIC sa mga posisyong hindi maaaring punan sa pamamagitan ng appointment habang isinasagawa ang Special Elections. Inaatasan ang mga respondent na magsumite ng tugon at mga kaukulang ebidensya sa loob ng tatlong araw ng trabaho mula sa pagtanggap ng naturang Order. Basahin ang buong dokumento sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/19TLVGGEfk/?mibextid=wwXIfr | mula Office of the Ombudsman

TINGNAN: Inilulunsad ng Lasallian Social Enterprise for Economic Development (LSEED) Center ang Social Enterprise (SE) Month
+3
TINGNAN: Inilulunsad ng Lasallian Social Enterprise for Economic Development (LSEED) Center ang Social Enterprise (SE) Month 2026 kasabay ng pagbubukas ng LSEED SE Marketplace sa Corazon Aquino Democratic Space, Oktubre 5. Maaaring bisitahin ang naturang marketplace hanggang Biyernes, Oktubre 9.

BINIBIGYANG-PUGAY ang patuloy na dedikasyon ng mga guro sa paggabay at paghubog sa kabataan sa pagdiriwang ng World Teachers’
BINIBIGYANG-PUGAY ang patuloy na dedikasyon ng mga guro sa paggabay at paghubog sa kabataan sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day, Oktubre 5. Higit sa mga aral na nakasulat sa pisara at pahina, bitbit ng kabataan ang pagkalingang hatid ng mga gurong umaalalay sa bawat yugto ng kanilang pagkatuto, paglago, at pakikibahagi sa pamayanan. Kinikilala ng Ang Pahayagang Plaridel ang mahalagang ambag ng mga guro sa edukasyon at lipunan, kasabay ng paninindigang dapat tumbasan ng sapat na pagkilala at suporta ang bigat ng kanilang tungkulin. Dibuho ni Samantha Abadier

PINULBOS ng DLSU Green Booters ang hanay ng Ateneo Men’s Football Team, 3–0, sa pagbubukas ng #UAAPSeason89 Men’s Football To
+3
PINULBOS ng DLSU Green Booters ang hanay ng Ateneo Men’s Football Team, 3–0, sa pagbubukas ng #UAAPSeason89 Men’s Football Tournament sa UP Football Stadium kahapon, Oktubre 4. Susubukang buwagin ng Taft-based squad ang hanay ng UE Men’s Football Team sa parehong lunan sa ika-4:30 n.h. sa Huwebes, Oktubre 8. Balikan ang tapatan ng mga koponan sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/19eAB4iuBK/ #ForEveryoneUAAP #AnimoLaSalle #PlaridelUAAP89

BINUWAG ng DLSU Green Archers ang kalasag ng UE Red Warriors, 112–87, sa kanilang unang sagupaan sa #UAAPSeason89 Men's Baske
+3
BINUWAG ng DLSU Green Archers ang kalasag ng UE Red Warriors, 112–87, sa kanilang unang sagupaan sa #UAAPSeason89 Men's Basketball Tournament sa PhilSports Arena kagabi, Oktubre 4. Susubukang ungusan ng Taft mainstays ang Ateneo Blue Eagles sa SM Mall of Asia Arena sa ika-6:00 n.g. sa Miyerkoles, Oktubre 7. Balikan ang naging tapatan ng dalawang koponan sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1FYTETo9Pw/ #ForEveryoneUAAP #AnimoLaSalle #PlaridelUAAP89

DINUROG ng DLSU Green Booters ang hanay ng Ateneo Men’s Football Team, 3–0, sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa #UAAPSeason
DINUROG ng DLSU Green Booters ang hanay ng Ateneo Men’s Football Team, 3–0, sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa #UAAPSeason89 Men’s Football Tournament sa UP Diliman Football Field, Oktubre 4. Basahin ang buong artikulo sa link na ito: sites.google.com/dlsu.edu.ph/plaridel/isports/green-booters-pinabagsak-ang-langkay-ng-ateneo-mens-football-team

TINGNAN: Medal tally ng 2026 Asian Games batay sa tala ng NDTV Sports kaninang ika-7:00 n.g., Oktubre 4. Pumuwesto sa ika-17
TINGNAN: Medal tally ng 2026 Asian Games batay sa tala ng NDTV Sports kaninang ika-7:00 n.g., Oktubre 4. Pumuwesto sa ika-17 ranggo ang Pilipinas matapos masungkit ang apat na ginto, siyam na pilak, at 16 na tansong medalya sa pagtatapos ng naturang torneo.

SINALANTA ng mga pana ng DLSU Green Archers ang kampo ng UE Red Warriors, 112–87, sa kanilang unang engkuwentro sa #UAAPSeaso
SINALANTA ng mga pana ng DLSU Green Archers ang kampo ng UE Red Warriors, 112–87, sa kanilang unang engkuwentro sa #UAAPSeason89 Men’s Basketball Tournament sa PhilSports Arena, Okubre 4. Basahin ang buong artikulo sa link na ito: sites.google.com/dlsu.edu.ph/plaridel/isports/green-archers-binasag-ang-pagpapaulan-ng-tres-ng-red-warriors